Skip to main content

Sulong Hermosa: Pamamahagi ng mga Makinarya at Kagamitan pang Agri-Fisheries

Upang isulong ang mas mataas na produksiyon, epikasiya, at sustentabilidad ng pagsasaka at pangingisda sa Hermosa, ipinamahagi sa ating mga kababayan ang mga makinarya at kagamitang makakatulong sa layuning ito, sa pangangasiwa ng ating Hermosa Municipal Agriculture Office (MAO). Ginanap ang nasabing pamamahagi sa Evacuation Center sa Brgy. San Pedro.

Bilang kinatawan ng inyong lingkod, pinangunahan ni Mayora ANNE INTON ang pamamahagi, kasama ang SB Committee on Agriculture Head na si Konsehal Roger Manarang, Hermosa MAO Head na si Vincent Mangulabnan, at MAO Agriculture Consultant Pike Datu. Dumalo rin bilang pagpapakita ng suporta ang iba pang miyembro ng Team Lipad kabilang sina Konsehal Lou Narciso, Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Floyd Tungol, Konsehal Jason Enriquez, Konsehala Gelly Cruz, Jinkee Alonzo, at Leonard Cruz

Ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalawig ng malagong sektor ng agrikultura at pangingisda sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa. Maraming salamat sa pangangasiwa ng makabuluhang programang ito, Hermosa MAO, maging sa ating magigiting na magsasaka at mangingisda!

SAMA-SAMA SA PGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1PbUTofAqG/

Official Website of Municipality of Hermosa