Subic-Mabiga Access Road Project
January 10, 2024 – Subic Bay Freeport
Nag umpisa ang termino ni Mayora Anne Inton bilang SBMA Director sa pakikipagpulong upang maipagpapatuloy ang implementasyon ng Subic-Mabiga Access Road Project na nauna ng aprubahan ng SBMA Board noong 2021. Ang inprastrukturang proyekto na ito ang magbibigay ng linkage mula SBFZ patungong Mabiga exit ng SCTEX sa Bataan. Ito rin ay kokonekta sa Luzon Spine Expressway Network upang mas mapadali ang inter-regional accessibility. Ang Hermosa side ng proyekto na ito mula Mabiga hanggang Palihan ay kasalukuyan na nating ginagawa.
Kasama ni Director Anne sina DPWH Region III Engr. Jun Mendiola at Engr. Paolo Masbang, SBMA Planning and Development Chief (PDO) Vicente Evidente, Deputy Administrator for Public Works Engr. Marco Estabillo, mga kawani ng SBMA PDO, Engineering, at LADD, MPDO Engr. Ejay Salenga, Municipal Administrator Rex Jorge at mga kawani mula sa LGU at kasama din si SBMA Director Kenneth Rementilla.
Layunin natin ang mas epektibo at mas malakas na ugnayan ng ating buong komunidad kabilang ang Subic Bay Freeport at mga bayang nakapalibot nito upang tuloy tuloy ang ating pag-asenso.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
#InaNgHermosa 🤱🏻