Skip to main content

SPECIALIZED PEST MANAGEMENT SYSTEM TRAINING

Isinagawa ngayong araw ang Specialized Pest Management System Training sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office, Provincial Agriculture Office, at DA Regional Crop Protection Center upang higit pang mapalawak ang kaalaman ng ating mga magsasaka sa epektibong pamamahala ng mga peste, maprotektahan ang kanilang mga pananim, at mapataas ang produktibidad ng sektor ng agrikultura.
Dumalo rin sa naturang pagsasanay si Konsehal Boyet Yandoc, kasama ang mga kinatawan mula sa municipal, provincial, at regional agricultural offices, bilang suporta sa patuloy na pagpapaunlad ng agrikultura at pagbibigay ng makabagong kaalaman sa ating mga magsasaka sa bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1JhXJpNcqB/

Official Website of Municipality of Hermosa