
SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS (SPES) PAYOUT SA BAYAN HERMOSA, NAIPAMAHAGI NA!
October 5, 2022- Hermosa, Bataan
SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS (SPES), PAYOUT SA BAYAN NG HERMOSA, NAIPAMAHAGI NA!
Nakatanggap na ang 34 na estudyante na mula sa Bayan ng Hermosa sa ilalim ng Special Program of the Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Lokal na Pamahalaan ng Hermosa ang kanilang sweldo mula sa (30) tatlumpu’t araw ng kanilang pagtatrabaho bilang office staff.
Bilang kinatawan ng inyong lingkod, pinangunahan ni Mayora Anne Inton kasama sina PESO Hermosa Maam Ofelia Datu, at Senior Labor Employment Officer Maam Eloisa Mercado, pinangasiwaan ang pay-out nito ng ating Municipal Treasurer’s Office.
Ang bawat isa ay nakatanggap ng kanilang paunang (60%) na sahod na mula sa Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, habang ang 40% ng kanilang sahod ay magmumula sa ahensiya ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang layuning ito ay mabigyan sila ng tulong pinansyal para sa kanilang pag-aaral at maipakita ang kanilang galing hindi lamang sa larangan ng trabaho kundi pati na rin sa kanilang talento.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! 🚁
#LipadHermosa🚁
#1Bataan ☝️