SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS PAYOUT, NAIPAMAHAGI NA
October 16, 2023 – Hermosa, Bataan
Pinangunahan ng ating Municipal PESO Manager Ofelia Datu kasama ang inyong lingkod sa naganap na SPES Payout sa Hermosa Covered Court ngayong araw.
Nakatanggap ng payout ang 54 na estudyante na mula sa ating bayan sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at lokal na pamahalaan ng Hermosa, ang kanilang sweldo mula sa tatlumpung araw (30) ng kanilang pagtatrabaho bilang office staff.
Ang bawat isa ay nakatanggap ng kanilang paunang 60% na sahod na mula sa lokal na pamahalaan ng Hermosa, habang ang 40% ng kanilang sahod ay magmumula sa ahensiya ng Department of Labor and Employment
(DOLE).
Ang layuning ito ay mabigyan sila ng tulong pinansyal para sa kanilang pag-aaral at maipakita ang kanilang galing hindi lamang sa larangan ng trabaho kundi pati na rin sa kanilang talento.
Maraming salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️