Skip to main content

SOCA 2024: Pagsusulong sa karapatan ng Batang Hermoseno

Nobyembre 26, 2024 – Hermosa, Bataan

Matagumpay na isinagawa ng ating Lokal na Pamahalaan ng Hermosa ang State of Children’s Address, kung saan ating ibinida ang mga inisyatibo, programa, at proyekto na nangangalaga sa karapatan ng mga Batang Hermoseño.

Sa SOCA 2024 na ginanap sa Hermosa Elementary School, ipinabatid natin sa ating mga kababayan ang kasalukuyang kalagayan ng Kabataang Hermoseño, maging ang pagnanais nating makamit ang isang Child Friendly Municipality. Ito ay ipinabatid ng inyong lingkod sa pamamagitan ng ating Municipal Administrator Rex Jorge.

Tampok rin sa nasabing address ang kasiyahang hatid ng mga bibo na mag-aaral sa Day Care sa kanilang Zumbaliit Presentation, na sinundan naman ng Slogan-Making at Poster-Making Contest, at Zumba Competition na nilahukan ng mga mag-aaral sa High School at Elementarya sa Hermosa.

Maraming salamat sa ating MSWDO, sa pangunguna ni Chasmalin Francisco, sa pangangasiwa ng SOCA 2024, maging sa ating mga SB Members at mga miyembro ng Team Lipad na sina Konsehal Jayson Enriquez, Konsehala Luz Samaniego, G. Leonardo “Leroy” Cruz, at Bb. Jingkee Alonzo, sa pagsuporta sa gawaing ito.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/19hrND52TA/

Official Website of Municipality of Hermosa