SK Mandatory Training: Kaalaman para sa mas Makabuluhang Paglilingkod
November 11, 2023 – Hermosa, Bataan
Dinaluhan ng inyong lingkod ang isinagawang Sanguniang Kabataan Mandatory Training na pinangunahan ni SK President Bea Lim na ginanap sa Lou-is Resort and Restaurant, Balanga City.
Ito ay isang mahalagang hakbang upang palakasin ang liderato at kasanayan ng mga kabataan dito sa ating bayan. Ito’y pagkakataon para sa kanila na mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa pamamahala, civic engagement, at iba pang aspeto ng paglilingkod sa ating komunidad. Sa pamamagitan nito, nagiging mas handa ang sila na maging mabisang boses para sa kanilang kapwa kabataan at sa bayan ng Hermosa.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️