Skip to main content

SK A. RIVERA, NATIONAL FINALIST SA UNITED NATIONS SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS FOR THE PHILIPPINES AWARDS 2026

Binabati po natin ang Sangguniang Kabataan ng Barangay A. Rivera sa pagkilala bilang National Finalist sa United Nations Sustainable Development Goals for the Philippines Awards 2026, na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan noong ika-27 ng Hunyo.
Ang natatanging pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap at makabuluhang ambag ng mga kabataan ng Barangay A. Rivera sa pagsusulong ng Sustainable Development Goals (SDGs) at mga programang naglalayong makapaghatid ng positibong pagbabago sa kanilang komunidad.
Congratulations po kina SK Chairman Christian Santos sa kanyang mahusay na pamumuno at dedikasyon sa paglilingkod sa kabataan.
Muli, taos-pusong pagbati sa buong Barangay A. Rivera sa karangalang ito. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa iba pang mga kabataan at komunidad.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!


#LipadHermosa
#1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/17j42w6aom/

Official Website of Municipality of Hermosa