Skip to main content

SITE VISIT SA PHIRST CENTRALE HERMOSA , KAUNA-UNAHANG TOWNSHIP PROJECT SA ATING BAYAN

April 19, 2023 – Hermosa, Bataan

 

Ngayong araw, binisita natin ang Phirst Centrale Hermosa Township Project sa Brgy. Mambog, Hermosa, upang personal na makita at masaksihan ang township project na ito sa ating Bayan. Kasama natin si Vice Governor Cris Garcia sa ating pag iikot sa Phirst Centrale site.
Ang pagbisita naman ng ating Bise Gobernador ay upang masiguro na ang mga pangangailangan ng ating komunidad ay naipapatupad ng maayos at mabilis.
Sa sabay nating pag-iikot at pag ocular sa Phirst Centrale, kitang-kita ang lawak at ganda ng disenyo at master plan ng proyekto. Kitang-kita din ang tuloy-tuloy na progreso at development sa ating Bayan.
Kasama din natin sina Vice Mayor Patrick Rellosa at ang Sangguniang Bayan ng Hermosa at sina Sales Operations Head Gretchen Ramos at Chief Operating Officer Phirst Centrale Hermosa Loren Sales.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

 

Official Website of Municipality of Hermosa