SGLG National Awarding 2023: Pagkilala sa Husay at Tapat sa Serbisyo ng Bayan ng Hermosa
December 14, 2023 – Manila Hotel
Personal na tinanggap ng ating Municipal Local Government Operations Officer Vernita La Torre na kumatawan sa inyong lingkod ang pagkilala sa husay, galing at tapat na serbisyo para sa maayos at epektibong pamamahala sa ginanap na Seal of Good Local Governance (SGLG) National Awarding 2023.
Ang ating bayan ay nagpakita ng kahusayan sa mga itinakdang aspeto at itinuturing na mga modelo ng maayos at mabuting pamamahala.
Ang tagumpay ng ating bayan ay tagumpay ng bawat Hermoseno! Maraming salamat po!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️