SGLG AWARD PARA SA MULING PAGKILALA SA HUSAY AT GALING NG PAMAMAHALA SA ATING BAYAN
Sa tuloy-tuloy nating pakikibaka at hangaring makapagbigay ng magandang serbisyong publiko para sa ating mga kababayan, personal nating tinanggap kanina sa People’s Center, Balanga City, Bataan ang Gawad para sa ating bayan ang DILG’s Seal of Good Local Governance.
Ang nasabing paragal ay personal na ginawad ni Gob. Joet Garcia at Vice Gob. Cris Garcia. Kasama din natin sa pagtanggap si Municipal Local Government Operations Officer, Vernita La Torre.
Ang SGLG ay isang pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), ito ay ginagawad sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng mahusay na pamamahala at serbisyo sa mga nasasakupan. Isa ang ating mga LGUs ang nagpakita ng tagumpay sa aspeto ng pamamahala dito sa bayan ng Hermosa.
Sa patuloy na pagtutulungan ng bawat isa, patuloy maipapakita natin ang husay at integridad sa paglilingkod sa ating komunidad. Maraming salamat sa patuloy na suporta at pagkilala sa aming mga pagsisikap. Ang parangal na ito ay nagbibigay inspirasyon sa amin upang patuloy na paglingkuran at pagyamanin ang bayan ng Hermosa.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️