Skip to main content

SEREMONYA NG BANDILA

July 4, 2022- Hermosa, Bataan
SEREMONYA NG BANDILA
Matagal na panahon na hindi tayo nakapag flag ceremony dulot ng Pandemya, kaya naman ngayong araw para sa unang lunes sa buwan ng Hulyo, isinagawa ang unang seremonya ng bandila sa Hermosa Covered Court sa pangunguna ng inyong lingkod, kasama ang mga bagong nahalal at muling nahalal na Lingkod Bayan ng Hermosa, kasama dito ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa.
Ilan sa mga nabanggit ng inyong lingkod na tuloy-tuloy ang mga programang pangkaunlaran, imprastraktura, investment, mga pang-agrikultura at iba pang programa na mas makakapag-angat ng antas ng ekonomiya sa Bayan ng Hermosa, at patuloy na susuportahan ang mga programa dito sa ating Bayan.
Dinaluhan ito ng mga Hermosa BFP, Hermosa Pulis, Hermosa Marshals, LGBTQIA+, mga miyembro ng Ina ng Hermosa, Single Moms, mga Barangay Kapitan, Sanguniang Kabataan, Rotary Club of Freeport Zone, at mga Student Summer Job Program o SPES.
Maraming Salamat po sa inyong kooperasyon, at sa muli ninyong pagtitiwala. Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

« of 2 »
Official Website of Municipality of Hermosa