Skip to main content

SERBISYONG ON THE GO SA BRGY. PULO

September 19, 2026 – Hermosa, Bataan

Muli pong nagpapatuloy ang ating Medical Caravan, at ngayong araw ay narito tayo sa Brgy. Pulo upang ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.

Kasabay ng Medical Caravan, opisyal na rin nating sinimulan ang paggamit ng Hermosa Mobile Clinic, na iikot sa iba’t ibang barangay upang mas mapalapit at mas maging accessible sa ating mga kababayan ang mga serbisyong medikal.

Abangan po ninyo ang pagdating ng Mobile Clinic at Medical Caravan sa inyong barangay. Patuloy po tayong maghahatid ng serbisyong pangkalusugan na mas malapit, mas maagap, at mas abot-kamay para sa bawat pamilyang Hermosa.

Maraming salamat po kina Konsehala Gelly Santos, Dr. Warren Valencia, sa mga katuwang na ahensya, at sa buong RHU staff sa patuloy na pagsuporta at paglilingkod sa ating mga kababayan.

#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1C1vLsiq4b/

Official Website of Municipality of Hermosa