Skip to main content

SERBISYO CARAVAN: Ang pagdating sa Barangay Pandatung

Sa pag-andar ng Serbisyo Caravan, nakapaghatid tayo ng impormasyon at libreng serbisyo katuwang ang iba’t-ibang ahensya, opisina at samahan para sa ating mga kababayan sa Barangay Pandatung.

Layunin ng ating Serbisyo Caravan: Retooled Community Support Program ang makapagbigay sa mga residente sa ating mahal na Bayan ng Hermosa ng mga libreng serbisyo katulad ng libreng gupit, libreng dental assistance, libreng gamot at check-up, PSA application assistance at iba pa.

Ang Serbisyo Caravan ay naisakatuparan sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government – Hermosa at sa tulong ng PSA-PhilSys, Philippine Army, Municipal Treasury Office, Municipal Agricultural Office, Municipal Health Office, Municipal Social Welfare Development Office, Assamblea Hermosa, PESO – Hermosa at Bureau of Fire Protection – Bataan.

Nakasama rin natin sa inisyatibo na makapaghatid ng mahalagang impormasyon ang Punong Barangay ng Pandatung na si Naciso Robles, PNP Major Ernesto Esguerra, DILG Provincial Directior Belina T Herman, Ceso V, Philippine Army First Leutenant Marc Rowe Land Felisan, PSA QHSE Officer Denis Tavara at BFP Senior Fire Officer Eric G. Lorenzo.

Sa ating sama-samang pagsisikap, naisakatuparan natin ang paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan sa ating mahal na Bayan ng Hermosa.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAG HERMOSA!
#SerbisyoCaravan #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

« ‹ of 2 › »
Official Website of Municipality of Hermosa