Seminar para sa mas maayos sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa Hermosa
Upang paigtingin ang pagpapatupad ng clearing operations, batas trapiko, anti-smoking ordinance, at pagsasaayos ng mga basura, nagsagawa ang ating Hermosa PNP, sa pangunguna ni Hermosa PNP Chief Phoe Pangan, ng seminar na ginanap sa Assembly Hall ng ating munisipyo.
Ang seminar ay dinaluhan ng ating mga marshal na pinangungunahan ni Chief Marshal Jonathan Baldevarona at mga kawani ng bawat barangay sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa.
Maraming salamat sa ating Hermosa PNP, sa inisyatibong para sa ikabubuti ng ating mga kababayan; maging kina Konsehal Jayson Enriquez, Konsehal Lou Narciso, at Konsehala Luz Samaniego sa pagsuporta sa ginanap na seminar.
SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/15bPPxUoj7/