Skip to main content

SAVE LIFE. DONATE BLOOD

March 2, 2023 – Hermosa, Bataan

Ang bayan ng Hermosa ay nagkaroon ng Blood Letting Activity sa tulong ng Department of Health, Provincial Health Office at Municipal Health Office.
Layunin ng programang ito na mangalap ng sapat na dugo mula sa mga nagbibigay ng donasyon upang matugunan ang pangangailangan ng ating nga kababayan na naghahanap ng dugo tulad ng mga may karamdaman, nasasangkot sa aksidente, o sa mga medikal na pangangailangan. Sa pamamaraang ito, maipapakita natin ang pagmamalasakit at pagtulong sa ating kapwa.
Naroon din sina Kons. Luz Samaniego, ABC President, Alfonso Cortez, mga Kapitan, RHU, at mga volunteers mula sa Ina ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝🏻

Official Website of Municipality of Hermosa