Skip to main content

Sapat sa Hermosa: Presentation ng Resulta ng Zero Kilometer Food Project

September 27, 2024 – Hermosa, Bataan
Ngayong araw, ating pinakinggan ang presentasyon ng resulta ng ‘Zero Kilometer Food Project (ZKFP)’ sa ginanap na pagpupulong sa Casa Victoria Restaurant, Brgy. Palihan, Hermosa—kasama sa nasabing pagpupulong si Municipal Administrator Rex Jorge, bilang kinatawan ng inyong lingkod; Vice Mayor Fernando Manalili, bilang kinatawan ni Mayor Tong Santos Jr. ng Dinalupihan; at Atty. Joycel Panlilio, Asst. Secretary for High Value Crops.

Kasama sa pagpupulong ang mga opisyal ng Batan Peninsula State University (BPSU) na siyang nangasiwa sa pag-aaral na isinagawa sa ilalim ng ZKFP. Ito ay sina Prof. Monica T. Hipolito, Vice President for Research, Extension and Technology Transfer; Dr. Celia Lapid, Associate Professor V; Dr. Catheryn Panlaqui, Associate Professor II; at Dr. Glenda Abad, Dinalupihan Campus Director.

Dumalo rin sina Engr. Johanna Dizon, Provincial Agriculturist; Bb. Eileen Ocampo, DTI Provincial Director; Bb. Carmencita Nogoy, AgriBusiness and Marketing Assistance Division Chief; at Jose Jeffrey Rodriguez, Executive Asst. ni Atty. Panlilio.

Layunin ng proyektong ZKFP, na pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang BPSU at Municipal Agriculture Office ng Hermosa at Dinalupihan, na pag-aralan ang pangangailangan sa pagkain at istraktura ng supply nito, upang magkaroon ng basehan ang mga polisiya sa pagtugon ng sariling produksyon ng mga magsasaka sa Bayan ng Hermosa at Bayan ng Dinalupihan.

Ang pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan sa Bayan ng Hermosa sa iba’t ibang ahensya at institusyon ay patunay sa ating kagustuhan na paunlarin ang kalidad ng buhay ng mga residente ng ating minamahal na bayan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#ZKFP #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

READ AND SEE MORE:

Official Website of Municipality of Hermosa