Sama-sama sa pagbangon: Agapay para sa mga apektadong Aquafarm sa Probinsya ng Bataan
September 25, 2024 – Hermosa, Bataan
Ngayong araw ng Miyerkules, ginanap sa Hermosa MDRRMO Evacuation Center ang pamamahagi ng bangus at hipon fingerlings para sa mga aquafarms sa Probinsya ng Bataan na naapektuhan ng Bagyong Paeng— ito ay parte ng programang naglalayong tulungan ang mga apektadong aquafarm sa Gitnang Luzon.
Sa pakikipagtulungan ng BFAR Region 3 sa Hermosa MAO, matagumpay na napamahagian ang 54 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bayan sa Bataan kabilang ang ating minamahal na Bayan ng Hermosa kung saan 19 benepisyaryo ang napamahagian.
Nakasama natin sa proyektong ito sina G. Wilfredo Cruz, Regional Director ng BFAR; Gng. Harlyn Purzuelo, BFAR PFO; Richard San Diego, BFAR PFO Aquaculturist II; Ralphrandt Atabay, FPSSD Chief; G. Vincent Mangulabnan, Department Head ng MAO; at G. Paquito Datu, Agriculture Consultant.
Sa ating minamahal na bayan, walang maiiwan. Sama-sama tayong babangon para sa kinabukasan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
READ AND SEE MORE: https://www.facebook.com/share/p/3dbXRob7Qpaf8ghN/