Skip to main content

SALI NA SA HTB HERMOSA LEG!

Simula na po ang libreng online registration para sa Hermosa Leg ng Hataw Takbo Bataan 2026!

Pumunta lamang po sa link na ito: https://bit.ly/HTB2026HERMOSALEG o i-scan ang QR code na makikita sa larawan.

Paalala po sa ating mga runners:
– Ang mga ProRunners ay hindi na kinakailangang magrehistro.
– Wala pong limitasyon ang bilang ng available slots.
– Ang registration ay magsasara bukas, ika-25 ng Pebrero sa ganap na 1:00 PM.
– Ang mga registrants po ay makatatanggap ng libreng race kits na naglalaman ng timing chip at bib at stub para sa baggage at raffle.
– Ang mga race kits po ay makukuha sa mismong race day simula 1:00 AM.
– May libre at limitadong Finisher Shirt na matatanggap ng mga verified runners na nakatapos sa race category na kanilang sinalihan.

Inaanyayahan din po ang ating mga runners na sumali sa HTB Runners Strava Group: bit.ly/HTBRunnersStravaClub.

Makikita po sa mga litrato ang ruta at oras ng pagtakbo. Abangan din po ang ating anunsyo para sa iba pang mga detalye. Kita-kits po tayo!

#1Bataan #Bataan #HatawTakboBataan #HermosaLeg

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1B7hiyRxha/

Official Website of Municipality of Hermosa