
Salamat Sa Ating Magigiting Na Bumbero
January 17, 2022- Hermosa, Bataan
Malugod na tinanggap ng inyong lingkod ang mga magigiting at masisipag na bumbero ng ating Bayan na pinamumunuan ni SFO4 Rusoler D. Tayag, BFP. Ipinabatid nila ang kanilang pasasalamat sa inyong abang lingkod para sa mga tulong na ating naihatid para sa tagumpay ng kanilang mga serbisyo para sa Bayan.
Lubos rin ang ating pasasalamat sa kanilang sipag at dedikasyon sa kanilang tungkulin, at napakalaki ang ginagampanang responsibilidad ng lahat ng kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ating Bayan sa hinaharap nating laban kontra COVID-19.
Isa ang BFP sa pangunahing ahensya na katuwang ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa.
Maraming Salamat po, BFP Hermosa! Mabuhay po kayo!❤️
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️