Skip to main content

ROAD CLEARING OPERATION SA MGA BRGY.

February 25, 2026 – Hermosa, Bataan

Pinangunahan ng Hermosa TOP Marshal ang isinagawang road clearing operation kaugnay ng isang truck na nakahambalang sa tapat ng Mambog Elementary School, Mabuco (NHA), Mambog, Mandama at Palihan. Agad po itong inaksyunan upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga dumaraan sa lugar.

Muli po naming ipinapaalala sa lahat ng motorista na mahigpit na sumunod sa mga batas trapiko at iwasan ang pagparada sa mga lugar na hindi itinalaga bilang parking area, upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga kalsada.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1Bu3HjcSES/

Official Website of Municipality of Hermosa