Skip to main content

ROAD CLEARING OPERATION SA BRGY. SABA

February 23, 2026 – Hermosa, Bataan

Kasalukuyan pong nagsasagawa ng roving at pagpapatrol ang ating Hermosa Marshals sa Brgy. Saba, kung saan may ilang sasakyang nakitang ilegal na nakaparada sa mga pampublikong daan.

Muli po naming pinapaalalahanan ang lahat na sumunod sa mga umiiral na ordinansa at iparada ang inyong mga sasakyan, tricycle, motorsiklo, at iba pa sa loob ng inyong bakuran o sa mga itinalagang legal na parking areas. Ang mahigpit na pagpapatupad ng road clearing operation ay bahagi ng ating layunin na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko para sa kapakanan ng buong komunidad.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1EHy4XrnMi/

Official Website of Municipality of Hermosa