ROAD CLEARING OPERATION SA BRGY. PANDATUNG
February 25, 2026 – Hermosa, Bataan
Sa pangunguna ng mga kawani ng Barangay Pandatung, isinagawa ang road clearing operation upang alisin ang mga nakaharang at nagkalat na sand blocking sa kahabaan ng kalsada. Ang hakbang na ito ay mahalaga upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko, gayundin ang kapakanan ng mga motorista at residente.
Patuloy po ang ating paalala sa lahat na panatilihing malinis at maluwag ang ating mga daanan bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap tungo sa isang mas maayos at disiplinadong komunidad sa ating bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1GtYb2kb4X/



