ROAD CLEARING OPERATION SA BAYAN NG HERMOSA
February 20, 2026 – Hermosa, Bataan
Tuloy-tuloy po ang ating pagsasaayos at paglilinis ng mga pangunahing daan at kalsada sa bawat barangay sa pangunguna at tulong ng Hermosa Marshals. Tinitiyak po natin ang araw-araw na pagroronda upang mapanatiling maayos, malinis, at maluwag ang ating mga kalsada, kanto, at eskinita.
Lahat po ng barangay ay regular na iniinspeksyon ng ating mga marshal. Wala po tayong iniiwan o pinipiling lugar. Hindi lamang po iisang lokasyon ang pinagtutuunan ng pansin, kundi lahat ng barangay ay pinupuntahan upang matugunan ang mga matagal nang suliranin sa ilegal na pagparada.
Layunin po nito na masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at mamamayan, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa ilegal na pagparada at iba pang obstruksiyon sa daan. Sa pamamagitan nito, patuloy po nating napapanatili ang kaayusan, disiplina, at kaligtasan sa buong bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1XETDz1Vnv/







