Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng tubig sa Barangay Burgos-Soliman, isang senior citizen na stroke patient ang matagumpay na natulungan at nailikas ng Hermosa TOP Marshal Dayshift Team.
Mula sa Barangay Burgos-Soliman, ligtas na dinala ang senior citizen sa kanyang kamag-anak sa Barangay Mambog, kung saan siya maayos na naihatid at naipagkatiwala sa kanyang pamilya.
Maayos at ligtas na naisagawa ang paglikas sa kabila ng patuloy na pagtaas ng tubig.
Sa panahon ng kalamidad, tunay na mahalaga ang pagtutulungan, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.