Skip to main content

Regional ADAC Performance Awards 2022

January 16, 2023 – San Fernando, Pampanga
Regional ADAC Performance Awards 2022
Ginanap sa Kingsborough International Convention Center, San Fernando, Pampanga, ika-16 ng Enero ang pagbibigay ng sertipiko para sa pagpapakilala mula sa Regional ADAC Performance Awards. Ito ay pagbibigay pugay para sa huwarang dedikasyon at aksyon sa pagpapatupad ng Anti-Drug Abuse Council dito sa ating Bayan.
Layunin nito ang pigilan ang mga kabataan gayun din ang mga nakatatanda sa paggamit ng ipinag babawal na gamot sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kanilang kamalayan at pag unawa sa mga nakakapinsalang epekto sa lipunan at kalusugan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Personal itong tinanggap ni Konsehal Lou Narciso na kumatawan sa inyong lingkod kasama si DILG Vernita Dela Torre.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! Maraming Salamat Po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa