RCEF Seed Distribution Kick-Off Ceremony : Binhi ng Pag-Asa, Tungo sa mas Matagumpay na Agrikultura
October 13, 2023 – Hermosa, Bataan
RCEF SEED DISTRIBUTION KICK-OFF CEREMONY : BINHI NG PAG-ASA, TUNGO SA MAS MATAGUMPAY NA AGRIKULTURA
Sa direktiba ng inyong lingkod ay pormal ng inilunsad ang seremonya ng pamamahagi ng binhi sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Ang seremonya ay pinangunahan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Head Community Relation Office Laarni L. Mandia at sa tulong ng ating Municipal Agriculture Vincent Mangulabnan na ginanap sa Hermosa Covered Court.
Kasama din natin sina Vice Mayor Patrick Rellosa, Rep. Board Member Gaudencio Ferrer, Provincial Agriculturist Engr. Johanna Dizon, Konsehal Roger Manarang, at mga Municipal Agriculturist Officers ng iba’t- ibang bayan sa Lalawigan ng Bataan.
Sa programang ito, binigyang-diin natin ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa. Ang pamamahagi ng binhi ng RCEF ay hindi lamang simpleng aktibidad, ito’y simbolo ng pag-asa, pag-unlad, at kasaganahan para sa ating mga magsasaka at komunidad dito sa bayan ng Hermosa.
Kasama ang 50 na magsasakang nagmula sa iba’t-ibang farmer association ng Bataan. Ang ating bayan ay makakatanggap ng 2,655 na sako ng binhi (20kg) na magagamit nila ngayong darating na dry season 2024. Isa itong hakbang patungo sa mas magandang kinabukasan ng sektor ng agrikultura, partikular na sa industriya ng palay.
Maraming salamat sa inyong suporta at paglahok. Nawa’y maging makabuluhan at inspirasyon ang araw na ito para sa ating lahat.
Mabuhay ang RCEF program at ang ating mga magsasaka dito sa bayan ng Hermosa!
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️