
RABIES AWARENESS MONTH 2023
Ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa pangunguna ng ating masipag at butihing Mayor Hon. Antonio Joseph R. Inton kasama ang ating Vice-Mayor Hon. Patrick S. Rellosa katuwang ang buong Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist sa pangunguna ni MAO Vincent P. Mangulabnan ay nakikiisa sa Rabies Awareness Month 2023 na may temang – “Rabies FREE na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino”
Bilang bahagi nito, ang Office of the Municipal Agriculturist katuwang ang Office of the Provincial Veterinary ay nagkaroon ng pagbabakuna sa mga alagang pusa’t aso sa barangay Balsik Hermosa, Bataan kaninang umaga, ika-31 ng Marso taong kasalukuyan. Tinatayang nasa 66 na aso at 20 na pusa ang nabakunahan ng Anti-Rabies Vaccine.
Nagsagawa din ng Rabies Awareness Seminar ngayong hapon sa naturang barangay. Ito ay pinangunahan ni Dra. Agatha De Leon ng ProVet katuwang ang ating Municipal Veterinarian na si Dra. Erika Frances David kasama din ang Committee on Agriculture Coun. Roger Manarang, SB- Coun. Luzviminda Samaniego at Coun. Jayson Enriquez. Ang seminar na ito ay naglalayong makapagbigay ng kaalaman tungkol sa nakakamatay na Rabies. Kung paano ito nakukuha, kung ano ang mga dapat gawin upang makaiwas sa Rabies at kung paano tayo magiging isang responsableng tagapag-alaga ng mga hayop.
Para po sa mga karagdagang impormasyon at katanungan, maaari po kayong magmessage sa aming FB account Agriculture Hermosa o mag-email sa vetmao.hermosa@gmail.com o kaya naman po ay magtungo ng personal sa aming tanggapan.
Sana po ay patuloy tayong makiisa sa patuloy na pagpapanatili na Rabies-Free ang ating bayan.
#LipadHermosa
#1Bataan
#RabiesAwarenessMonth2023