PULONG TUNGKOL SA OPLAN KONTRA BAHA SA BATAAN
September 3, 2026 – Balanga City, Bataan
Nakiisa po tayo sa isang mahalagang talakayan at pulong kaugnay ng Oplan Kontra Baha sa ating lalawigan, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Provincial Government of Bataan.
Mahalaga po ang ganitong mga pagpupulong upang masusing maunawaan ang mga sanhi ng pagbaha at makapaglatag ng mga konkretong, pangmatagalan, at mas epektibong solusyon sa mga pagbaha na naranasan nitong mga nagdaang araw sa iba’t ibang bahagi ng ating lalawigan.
Nakasama po natin sa pulong sina DPWH Undersecretary Charles Calima Jr., Governor Joet Garcia, Congresswoman Gila Garcia, mga kapwa alkalde sa Bataan, at mga kinatawan ng iba’t ibang katuwang na ahensya.
Sa pamamagitan ng mas matibay na koordinasyon at sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mga katuwang na ahensya, patuloy nating pagtutulungan ang paghahanap at pagpapatupad ng mga solusyon tungo sa mas ligtas at mas handang Bataan laban sa mga pagbaha. #LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CVNFKx3uK/








