Public Advisory: Road Closure sa Hermosa Fiesta 2026
Upang bigyang-daan ang taunang pagdiriwang ng Pistang Bayan, ipatutupad ang pansamantalang pagsasara ng ilang pangunahing kalsada sa iba’t ibang bahagi ng ating bayan simula:
May 2, 2026 ng 10:00 PM hanggang May 4, 2026 ng 4PM
Kaugnay nito, may nakatalagang alternative routes para sa parehong light at heavy vehicles upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang abala sa mga motorista at residente. Pinapayuhan ang lahat na planuhin ang kanilang biyahe nang maaga at sundin ang mga itinalagang ruta at traffic advisories.
Hinihiling ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat isa upang matiyak ang ligtas, maayos, at matagumpay na pagdiriwang ng ating Pistang Bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA! #LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1L7TywjhDy/



