PUBLIC ADVISORY: CEMETERY CLEANING GUIDELINES FOR UNDAS 2026
Inaabisuhan ang lahat ng mga kababayang maglilinis ng puntod sa mga sementeryo sa bayan ng Hermosa na hanggang Oktubre 30, 2026 (Biyernes) na lamang pinapayagan ang paglilinis at pagdadala ng mga kagamitang panlinis sa mga sementeryo.
Matapos ang nasabing petsa, hindi na papayagan ang paglilinis at pagdadala ng mga kagamitan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga sementeryo, gayundin upang maiwasan ang pagdadala ng mga matatalim na bagay at iba pang kagamitang maaaring magdulot ng panganib sa panahon ng paggunita sa Undas 2026.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
#HermosaBataan #LipadHermosa #1Bataan #Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1AR5bL6Fo2/