PUBLIC ADVISORY
Ipinapaalam po sa ating mga kabarangay na WALANG SERBISYONG CHECK-UP sa darating na September 10–11, 2026 sa mga sumusunod na health facilities:
• Dr. Alfredo V. Rivera Sr. Rural Health Center – Mandama, Hermosa, Bataan
• Hermosa Lying-In and Health Center – Palihan, Hermosa, Bataan
Ito ay dahil ang ating mga Doctor ay dadalo sa Annual Stakeholder Consultative Meeting for Health at AMHOP General Assembly.
Gayunpaman, mananatiling bukas at patuloy na magbibigay ng serbisyo ang mga sumusunod:
• Animal Bite Treatment Center (ABTC)
• Family Planning Services
• Pharmacy – para sa mga may dalang valid prescription
• Laboratory Services
• TB-DOTS
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Para sa mga nangangailangan ng regular na konsultasyon, mangyaring magtungo na lamang po sa ating health centers bago o pagkatapos ng nasabing mga petsa.
Ang regular consultation ay magpapatuloy sa September 14, 2026.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.
Municipal Health Office – Hermosa, Bataan

