Skip to main content

Programang Pangkabuhayan dito sa Bayan ng Hermosa

Tayo ay nagkaroon ng orientation para sa programang pangkabuhayan sa pagluluto ng tinapay at iba pang mga baked goods sa tulong na donasyon ng Casa Victoria at sa pakikipagtulungan ng LGU at ng Rotary Club of Freeport Zone dito sa ating Bayan na pinangunahan ng INA NG HERMOSA Founder ATTY. ANNE INTON.
Sa pamamagitan ng training na ito, maaari kayong matuto ng mga mahahalagang kasanayan sa pagpapagana ng inyong sariling bakery o kahit na sa paghahanap ng trabaho bilang isang propesyonal na baker. Dito ay ituturo sa atin ang iba’t ibang uri ng mga recipe at pamamaraan ng pagluluto at mga tamang sukat, mga teknik sa paghahalo ng mga sangkap. Ituturo rin dito ang mga pangunahing kaalaman sa pagtatayo ng negosyo, pamamahala ng inventory, at pagmemerkado.
Dito nakasama natin sina Rotary Club President Ric Dela Cruz, Former President Rotary Club Jess Garcia, Ma’am Rodylie Calimlim, Ms. Liana De Leon, Ma’am Jen Atuan at Trainor na si Ms. Marie Cinongco.
Maraming Salamat sa ROTARY CLUB OF FREEPORT ZONE at CASA VICTORIA! Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#InaNgHermosa 👩‍🍼
#1Bataan ☝️

 

Official Website of Municipality of Hermosa