PROGRAM LAUNCH OF NGITING BULILIT
August 27, 2026 – Hermosa, Bataan
Opisyal na pong inilunsad ngayong araw ang Ngiting Bulilit 3-20 Program, kung saan lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa kasama ang Philippine Dental Association–Bataan Chapter at ang Philippine Pediatric Dental Society, Inc. (PPDSI).
Bilang bahagi ng programa, isinusulong ng PPDSI ang “Clean After Feeding” Campaign, na naglalayong itaguyod ang maagang pangangalaga sa oral health at matulungan ang mga batang Pilipino na magkaroon ng 20 malulusog na primary teeth pagsapit ng edad na tatlong taon.
Pinangunahan ang programa nina Konsehala Gelly Santos, Konsehala Jinkee Alonzo, Konsehal Jason Enriquez, at Dr. Jay Nuevo, kasama ang mga katuwang na ahensya at organisasyon. #LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18B6HHy83J/
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18B6HHy83J/