Skip to main content

PLEB Meeting para sa patuloy na pagLipad ng Hermosa

November 8, 2024 – Hermosa, Bataan

Dalawang araw ng magkahiwalay na pagpupulong ang isinagawa ng ating People’s Law Enforcement Board (PLEB) sa pangungunguna ni Mayora ANNE INTON, kasama sina Vice Mayor Patrick Rellosa, Konsehal Lou Narciso, ABC Alfonzo Cortez, NGO Representative Rez De Leon, HES Principal Rosario Canlas, at Sec Purisima Legaspi. Ang serye ng pagpupulong ay isinagawa sa Puntabelle Resort sa Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan, Nobyembre 6 at 7.

Layunin ng pagpupulong na ito na tiyakin na ang bawat mamamayan sa ating komunidad ay napakikinggan at nabibigyan ng tamang serbisyo at hustisya; maging ang pagsasaayos ng ilang sistemang patuloy na magpapaunlad sa ating minamahal na bayan.

Sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa, makakamit natin ang tagumpay ng ating komunidad dito sa bayan ng Hermosa.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1EGHsRkSC1/

Official Website of Municipality of Hermosa