May 07, 2023 – Hermosa, Bataan
PISTANG KRUS SA BARANGAY SAN PEDRO
PAGPUPUGAY SA ATING MAHAL NA PATRON ST. PETER MARTYR DE VERONA
Sa pagpapatuloy ng ating Kapistahan dito sa Bayan ng Hermosa ay nakiisa si MAYORA ANNE ADORABLE-INTON na kumatawan rin sa inyong Lingkod sa masayang pistang krus ng Brgy. San Pedro ngayong araw. Sinimulan ito sa Feast Day Mass sa pangunguna ni REV. Fr. Ohochi N’gbesso Vital Akele na sinundan ng Grand Parade o Kuraldal.
Ang Kuraldal ay isang tradisyunal na pagdiriwang na pagpapakita ng pagpapahalaga at pagpupugay kay St. Peter Martyr de Verona sa pamamagitan ng sayaw, awit at panalangin. At ito rin ay nagpapakita ng buhay at saya ng ating mga kababayan sa pagsalubong ng ating mahal sa Patron Saint dito sa ating Bayan.
At tayo ay nagsagawa rin ng “Medical Mission” kasama si Rural Health Physician Doc. Warren Valencia at RHU Hermosa na ginanap sa Vortex Gas Station Brgy. Mambog Hermosa, Bataan kasama rin sina Mayora Anne Adorable-Inton at Konsehala Luz Jorge-Samaniego at sa pakikipagtulungan ng inyong Lingkod, Vice Mayor Patrick Rellosa, Sangguniang Bayan members at ng Hermosa Bataan PNP.
Maraming Salamat po sa masayang pagdiriwang ng Kapistahan dito sa Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.
By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.
(047)-300-6750/ 0917-844-3453
Office Hour:
Mon - Fri: 8am - 5pm
Brgy. Burgos-Soliman St
Hermosa, Philippines 2111
All content is public domain unless otherwise stated.
LEGISLATIVE
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Official Directory