
Pinag-ugnay ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) sa pamamagitan ng National High Value Crops Development Program ang isang institutional buyer na Mensch Fil-am Corporation at magsasakang si Luis Nate
TIGNAN || Pinag-ugnay ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) sa pamamagitan ng National High Value Crops Development Program ang isang institutional buyer na Mensch Fil-am Corporation at magsasakang si Luis Nate noong ika-17 ng Marso.
Ang kumpanyang Mensch Fil-am Corporation ay nagsusuplay ng mga prutas at gulay sa iba’t ibang bansa gaya ng Dubai, Japan at South East Asia.
Layunin ng isinagawang diyalogo na mapag-usapan at masuri ang kalidad ng pinyang itinatanim ni Nate at malaman kung pasok ito sa kwalipikasyon sa internasyonal na merkado.
Ito ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, Lokal na Pamahalaan ng Hermosa at DA Regional Field Office 3.
Ginanap ito sa Barangay Maite, Hermosa, Bataan.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon