Skip to main content

PIBO TRAINING WORKSHOP

October 20, 2026 – Hermosa, Bataan

Bilang bahagi ng ating pagsusulong ng makabagong teknolohiya sa edukasyon, nagsagawa ang ating Korean partners ng Physical AI Education para sa mga kinatawan ng bawat paaralan sa Hermosa.

Layunin ng pagsasanay na maturuan ang mga guro at school representatives kung paano gamitin at paandarin ang mga robot, bilang paghahanda sa integrasyon ng robotics at artificial intelligence sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Nakiisa rin sa aktibidad sina MPDO Engr. Ejay Salenga at MIS Officer Kurt Balean, bilang suporta sa pagsusulong ng inobasyon at digital transformation sa ating bayan.

#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19ho5creAj/

Official Website of Municipality of Hermosa