PhilHealth Konsulta: Agarang Serbisyong Medikal para sa mga Katutubong Bataeño
February 21, 2024 – Hermosa, Bataan
Sa pagpapatuloy ng Bisita Bayan personal na dinaluhan ni Mayora ANNE INTON bilang kinatawan ng inyong lingkod ang programang hatid ng Provincial Government of Bataan na ginanap kanina sa Sitio Pastolan.
Katuwang natin sa programang ito ang PHO, MHO, PhilHealth, MSWDO at NCIP. Naroon din sina Provincial Health Officer Dra. Rosanna M. Buccahan, Dra. Lovely Anne Estapa at Municipal Health Officer, Dr. Warren S. Valencia.
Layunin nito na marehistro ang lahat ng mga katutubo natin sa Sitio Pastolan para sa Universal Healthcare at Philhealth Konsulta. Ito rin ay para mabigyan sila ng agarang tulong medikal sa panahon ng pangangailangan. Naglalayon din ito na dalhin ang ating bayan tungo sa “Healthy Pamayanan ng Hermosa”.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
