Payout to Farmers and Fisherfolks
November 09, 2023 – Hermosa, Bataan
Katuwang si Mayora ANNE INTON bilang kinatawan ng ating butihing Mayor Jopet Inton at sa tulong ng ating mahal na Gov. Joet Garcia at lokal na pamahalaan ng Hermosa ay matagumpay nating naipamahagi ang tulong pinansyal para sa ating mga magsasaka at mangingisda dito sa bayan ng Hermosa na pinangunahan ni Municipal Agriculturist Head Vincent Mangulabnan kasama si Pusong Pinoy Partylist Rep. Cong. Jett Nisay.
Ang payout na ito ay hindi lamang simpleng tulong pinansiyal, ito’y isang patunay ng ating pasasalamat sa inyong mahalagang kontribusyon sa ating bayan. Patuloy nating ipagmalaki ang ating agrikultura at pangingisda, at patuloy tayong magtulungan para sa mas maunlad na bayan ng Hermosa.
Kasama natin sa programang ito sina Municipal Administrator Rex Jorge, Konsehal Roger Manarang, at sa tulong ng DOLE.
Maraming salamat sa ating mga magsasaka at mangingisda. Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️