Payout para sa mga Iskolar ng Hermosa, ipinamahagi ngayong araw
October 30, 2024 – Hermosa, Bataan
Matapos makisaya sa mga batang nag-Trick or Treat, pinangunahan naman ni Mayora Anne Inton bilang kinatawan ng inyong lingkod, kasama sina Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Roger Manarang, at Bb. Jinkee Alonzo, ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga benepisyaryo ng Iskolar ng Hermosa.
Ang payout ay ginanap sa Hermosa Covered Court ngayong araw kung saan 397 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong na kanilang magagamit sa pag-aaral.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/18MYpq6W5q/