Pawikan Festival 2023
December 9, 2023 – Morong, Bataan
Nakisaya at dinaluhan ni Mayora ANNE INTON ang selebrasyon ng pawikan na ginanap sa Pawikan Conservation Center sa Morong, Bataan.
Naroon din sa pagdiriwang si Bataan Gov. Joet Garcia, Vice Gov. Chris Garcia kasama ang iba pang mga lingkod bayan dito sa Bataan.
Maraming salamat sa mga representante ng Hermosa sa pagpapakita ng talento sa pagsayaw sa Festival Dance Competition. Ang buong bayan ng Hermosa ay ipinagmamalaki ang inyong ipinakitang galing. Mabuhay kayo!
Layunin ng adbokasiyang ito palaganapin ang kaalaman sa kahalagahan ng pawikan sa ating ecosystem. Sa pamamagitan nito, mapapangalagaan natin ang kalikasan at maililigtas ang mga hayop na nanganganib ng maubos.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝🏻