Patuloy po nating sinusuportahan ang ating Bureau of Fire Protection (BFP) Hermosa Fire Station upang higit na mapalakas ang kanilang kahandaan at mapabilis ang pagtugon sa bawat emergency.
TINGNAN: Patuloy po nating sinusuportahan ang ating Bureau of Fire Protection (BFP) Hermosa Fire Station upang higit na mapalakas ang kanilang kahandaan at mapabilis ang pagtugon sa bawat emergency.
Kasama po natin sa pagpupulong si BFP Chief SF04 Richard Gantang, kung saan tinalakay natin ang paggamit ng 20% Fire Code share para sa mga kinakailangang kagamitan at pagpapabuti ng ating fire station, kabilang ang pangangailangan para sa bagong service vehicle na makatutulong sa ating mga bumbero na mas mabilis na makarating at makapagbigay ng serbisyo sa oras ng pangangailangan.





