Skip to main content

Patuloy na Pagmomonitor at Pakikipag Koordinasyon Natin sa mga Ahensya

Sa direktiba ng inyong lingkod MAYOR JOPET INTON upang aksyunan at agarang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan na apektado ng pag baha dulot ng walang tigil na pag-ulan. Tayo ay namahagi ng relief goods at hygiene kits sa tatlumpu’t pitong pamilya na apektado sa Brgy. Mabiga, Brgy. Culis at Brgy. Bacong dulot ng bagyong Egay ngayong araw, ika-27 ng Hulyo.
Kasama sa pamamahagi ng nasabing tulong sina Konsehal Jason Enriquez, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Roger Manarang, Kosehala Luz Samaniego, MSWDO Head Chasmalin Francisco at Hermosa MDRRMO Head Glenly Monje kasama ang buong response and disaster team ng ating Bayan.
Asahan po ninyo ang patuloy na pagmomonitor at pakikipag koordinasyon natin sa mga ahensya na makakatulong sa pagresponde at pag agapay sa panahon ng ganitong kalamidad.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa