Skip to main content

Patuloy na PagLipad ng Hermosa: Seal of Good Local Governance 2024

Ating personal na tinanggap sa The Manila Hotel ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of Interior and Local Government (DILG). Kasama nating tumanggap ng prestihiyosong parangal si Hermosa Municipal Local Government Operations Officer Vernitta La Torre.

Ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa ay isa sa 714 lokal na pamahalaan mula sa 1,715 LGU na nagkamit ng SGLG ngayong 2024. Ito ay patunay na naabot natin ang mahigpit na pamantayan ng mahusay na pamamahala sa larangan ng serbisyong pampubliko, kaayusan, at kalinisan.

Ang pagkilala ay iginawad sa atin nina DILG Undersecretary for Local Government Marlo Iringan, DILG Assistant Secretary Atty. Odilon Pasaraba, Bataan Governor Joet Garcia, at Bataan DILG Provincial Director Belina Herman, CESO V.
Malugod na ipinapaabot ng Bayan ng Hermosa ang pasasalamat sa DILG, partikular kay Local Government Secretary Jonvic Remulla, sa patuloy na suporta at pagkilala sa mga pagsusumikap ng ating Pamahalaang Bayan.

Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat! Sama-sama tayong magpursigi para sa mas maayos at maunlad na bayan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1WciqPikcF/

Official Website of Municipality of Hermosa