Skip to main content

PARADA NG KAGITINGAN IKA-81 TAONG ANIBERSARSYO NG ARAW NG KAGITINGAN

April 11, 2023 – Balanga, Bataan

Nakiisa ang Bayan ng Hermosa sa ginanap na PARADA NG KAGITINGAN. Ito ay programa ng Panlalawigang tanggapan ng Turismo ng Bataan bilang paggunita ng ika-81 na Araw ng Kagitingan na dinaluhan ni Konsehal Boyet Yandoc na kumatawan sa inyong Lingkod.
Tampok sa nasabing pagdiriwang ang mga naggagandahang karosa ng iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Bataan.
Sa ganitong pagdiriwang ay ipinapakita natin ang pagpapahalaga at pagbibigay-pugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan at kinabukasan. Isang paalala na hindi dapat natin kalimutan ang kanilang mga sakripisyo at patuloy nating ipaglaban ang mga prinsipyo ng katapangan, kabayanihan, at pagmamahal sa bayan.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
#ArawNgKagitingan2023
Official Website of Municipality of Hermosa