Skip to main content

Para sa Ating Mga Negosyo: Mga Mahahalagang Malaman sa Business Permits at Iba Pa

Tayo po ay nagkaroon ng pagpupulong sa pangunguna ni Municipal Administrator Rex Jorge na ginanap sa Hermosa Ecozone Industrial Park Office.
Ito ay para sa mga mahahalagang patakaran at proseso sa pagsusuri ng paghahain ng Business Permit at paglabas ng Occupational Permit at Health Cards alinsunod sa Municipal Ordinance No. 7 Series of 2019. Gayundin, nais naming bigyang-pansin ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa ating komunidad.
Ang lahat ng negosyo at kumpanya dito sa ating Bayan ay kinakailangang sumunod sa mga regulasyon at magparehistro ng kanilang mga negosyo. Ang paghahain ng Business Permit ay isang kinakailangang hakbang upang mapatunayan na ang bawat negosyo ay gumagana nang maayos at sumusunod sa mga patakaran at alituntunin ng pamahalaan.
Kasama ang Occupational Permit at Health Cards, ito ay upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan dito sa Bayan ng Hermosa.
Hinihikayat ang lahat ng mga negosyante na sumunod sa mga regulasyon at proseso ng pagsusuri ng Business Permit, paglabas ng Occupational Permit at Health Cards. Tandaan natin ang kahalagahan ng maayos na pagsunod sa mga patakaran upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan at kaunlaran ng ating komunidad.
Kasama natin dito sina Municipal Cooperative Development Officer Josefina Bondoc, BPLO Marivic Fernandez, Rep. PCEDO Aliw Jose at Briccio Rubiano at ang ilang Human Resource Personnel at Hermosa Ecozone Locators Representatives.
Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa