Para kina Lolo at Lola: Pagpapatuloy ng Tulong Pinansyal para sa mga 90 y/o Hermoseño
Enero 10, 2025 – Hermosa, Bataan
Ating isinagawa ang patuloy na pamamahagi ng tulong pinansyal para kina lolo at lola sa house-to-house na pinangunahan ni Mayora ANNE INTON bilang kinatawan ng inyong lingkod, kasama ang Office of the Senior Citizens Affair OIC Arturo Sanggalang.
Nagkaroon din ng pamamahagi ang ating lokal na pamahalaan kahapon, Enero 9, kasama naman ang mga miyembro ng Team Lipad, kabilang sina Konsehal Boyet Yandoc at Konsehal Lou Narciso bilang kinatawan ng inyong lingkod.
Ang gawaing ito ay isinagawa upang makapagbigay ng karagdagang suportang pinansyal sa ating mga lolo at lola, na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at pamumuhay.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan