Skip to main content

Panunumpa ng mga bagong halal ng FPTA Officers sa Hermosa

September 25, 2024 – Hermosa, Bataan
Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng Municipal Federated Parent-Teacher Association (FPTA) ng Distrito ng Hermosa sa ginanap na Induction Program sa Hermosa Elementary School (HES) kaninang umaga, kung saan gumanap ang inyong lingkod, Mayora ANNE INTON, bilang Inducting Officer.

Kasama sa programang ito sina Ma’am Arlene Carlos, Supervisor ng Hermosa District; Ma’am Rosario Canlas, Principal ng HES; Gng. Jeanette Hemillan, Outgoing FPTA President; Gng. Arlene Rasquero, Incumbent FPTA President; at G. Enrico Susi, District FPTA School Head Coordinator.

Dalangin ko na maging makabuluhan ang taon na ito para sa mga bagong halal na opisyal ng FPTA, para sa ikabubuti ng edukasyon sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#InaNgHermosa #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

READ AND SEE MORE: https://www.facebook.com/share/p/H11hFh2UXhPrfWWD/

Official Website of Municipality of Hermosa