Skip to main content

PANTAY NA KARAPATAN SA LAHAT NG KABABAIHAN AT KALALAKIHAN

June 15, 2023 – Lubao, Pampanga
PANTAY NA KARAPATAN SA LAHAT NG KABABAIHAN AT KALALAKIHAN
Dumalo ang inyong lingkod sa naganap na seminar ng Municipal Social Welfare Development (MSWD) na may temang “Empowering Men to Empower Women” na naganap sa Hacienda Garcia Resort and Hotel Lubao, Pampanga.
Ito ay naglalayong tugunan ang paglaganap ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak at ang bawat isa ay may pananagutan na itaguyod ang isang lipunan na ligtas, payapa, at may paggalang sa lahat ng kasarian.
Hinihimok rin ang bawat isa sa na maging boses ng pagbabago. Magkaisa tayo laban sa karahasan sa pamamagitan ng pag-edukasyon, pagbibigay kaalaman, at pagtataguyod ng paggalang sa mga kababaihan at kanilang mga anak. Palaganapin natin ang mensahe na walang puwang ang karahasan sa ating lipunan.
Kasama rito sina Municipal Social Welfare Development Head Chasmalyn Francisco kasama ang ilan sa staff ng MSWD, Resource Speaker Sherryl Santos, Konsehala Luz Jorge-Samaniego, Kalipi President Maria Fe Pula at ang kaniyang mga miyembro.
Maraming Salamat po! Mabuhay ang ating mga Kababaihan!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa